Orihinal itong isinulat ni Eugene Evasco para sa “Ang Bangkang Tutong.”
Kuwento ng magkaibigang daga at ibon ang nilalaman ng aklat. Ngunit hindi pagkakaibigan ang pangunahing aral kundi ang halaga ng pakikinig.
Bilang isang guro, lagi’t lagi kong idinidiin ang halaga nito–sa mga lektura, sa mga anunsiyo, at sa mga payo at mahahalagang punto. Katambal ng pakikinig ang paggalang. May idiomang Pinoy na tumutukoy sa uri ng pakikinig na hindi pinahahalagahan ang isang natanggap na mensahe–ang taingang-kawali.
Mahalaga ang pakikinig upang magsilbing gabay sa sinoman.
Maraming tunggalian ngayon ang malulunasan ng pakikinig sa sentimiyento sa magkakaibang panig. Maraming hindi pagkakaunawaan ang maiiwasan kapag isinagawa ang pakikinig. Mas magiging payapa at magaan ang buhay kung tatalasan lamang ang pakikinig.
Ngayong Sabado na ang pinakahihintay na #LamparaArtFest, kasabay ng Book Launch ng bagong libro nina Eugene Evasco at Brent Sabas.